Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang tatlong lalaking wanted sa iba’t-ibang kaso nitong Lunes sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila.
Ayon kay MPD Public Information Office chief Capt. Phillip Ines,halos sabay sabay na naaresto ang mga suspek sa magkakahiwalay na.lugar sa Maynila sina Yeo Angelo Magbuhos,19 na wanted sa kasong rape; Dionard Gurimbao,48 ,wanted sa kasong carnapping; at Roger Larong, 49 at wanted sa kasong murder.
Nabatid na si Magbuhos na may kasong 4 na counts ng rape ay naaresto ng.mga pulis sa MPD-PS 9 ,alas 5 ng hapon sa may 561 San Andres St Malate,Maynila.
Si Gurimbao naman ay naaresto ng mga pulis sa MPD-PS 14 sa Terminal 3 ng Ninoay Aquino International Airport(NAIA),alas.5 ng hapon.
Habang si Larong naman ay boluntaryong sumuko sa MPDHeadquarters dakong alas 4:22 ng hapon.
Si Larong ay may warrant of arrest mula sa Antipolo RTC Branch 140 na inisyu ni Presiding Judge Edgardo Sison para sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Kapwa naghihintay ng commitment order mula sa korte ang tatlong suspek. (TSJ)