Natiyempuhan ng mga elemento ng Manila Police District-Police Station 12 ang tatlong lalaking nasa watchlist, sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Purok 3 Isla Puting Bato, Brgy. 20, Tondo, Maynila.
Kinilala ni Pat. Raymond Patrick Villaruel, g MPD-PS12 ang mga suspek na sina Vanessa Goyal, 50; Jumar Abain, 24 at Anthony Salvador, 22, pawang miyembro ng Batang City Jail at Purok 5 Isla Puting Bato, Brgy. 20, Tondo.
Ang mga suspek ay naaresto alas 2:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar matapos na pagbentahan ng shabu ang pulis na tumayong poseur- buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang sachet ng shabu na may street value na P4,080 at tatlong P100 marked money
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors Office ang mga suspek. (Philip Reyes)














