Tatlo, arestado sa pekeng ‘annulment packages scheme” — NBI

Arestado sa National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong katao na diumano ay sangkot sa “annulment packages scheme” sa magkahiwalay na operasyon kamakailan sa Pasay City at Bacoor,Cavite.

Kinilala ng NBI ang mga naaresto na sina Carl Reyes ,alyas Gladdies Rodriguez Reyes sa Pasay City at ang mag-live in partners na sina Marco Norega at Rona Castillo na naaresto sa Bacoor ,Cavite.

Naganap ang operasyon ng NBI matapos na hilingin ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na imbestigahan ang laganap na advertisement na annulment packages sa iba’t- ibang online platforms.


Nagsagawa ng imbestigasyon ang NBI at nang makumpirma ang impormasyon ay nagkasa ng entrapment operation laban sa mga suspek.

Noong Setyembre 8, dalawang team ang idineploy ng NBI-Special Action Unit (NBI-SAU) para magsagawa ng entrapment operation sa Pasay kay Reyes at sa isang alyas Cha-cha sa Bacoor,Cavite.

Modus operandi ni Reyes na ipabura umano sa Philippine Statistical Authority (PSA) sa loob ng apat na buwan ang kasal kapalit ng P180,000, kung saan humihingi ito sa kanyang biktima ng 75% downpayment.

Sina Castillo at Norega naman ay may kakutsaba umanong judge at nangangakong makukuha ang annulment documents sa loob ng lima hanggang walong buwan kapalit ng P70,000 kaya suma total na aabot ang annulment packages ng P250,000.


Nagpakita pa umano sina Castilo ng opisyal na dokumentong inisyu ng isang Judge sa Manila RTC kaugnay sa desisyon sa pagpapawalang-bisa ng kasal na me petsang Pebrero 23,2022 na naberipikang peke.

Ang mga suspek na sina Norega at Castillo ay sinampahan ng kasong estafa in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), Section 12 of R.A. 9485 (Anti-Red Tape Act p2007), at Falsification of Official Documents. (Carl Angelo)

Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read