Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District -Police Station 6, ang tatlong lalaki, kabilang na ang target ng buybust operation, kamakalawa ng gabi sa may panulukan ng Onyx at Pedro Gil Sts., Sta. Ana Maynila.
Nasa kustodiya ng MPD-PS 6 ang mga suspek na sina Ricardo Elomina,36,ng 2359 M. Tejeron St., Sta. Ana; Bryan Campo,32, ng 2036 Interior 20, A. Francisco St., Sta. Ana at Nicky Tan,32, ng 41 A. Cruz St., Brgy. Tejeros, Makati City.
Naganap ang operasyon ng pulisya alas-8 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Nakumpiska ng mga pulis ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600 mula sa mga suspek.
Sinampahan ang tatlo ng kasong paglabag sa Section 11 of Article II ng R.A. 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Arsenio Tan)














