Tatlo, arestado habang ‘nagsusukatan’ ng biniling shabu

By: Baby Cuevas

DINAKIP ng pulisya ang tatlong drug users nang mahuli sa akto habang nagsusukatan kung sino sa kanila ang mas marami sa nabili nilang shabu,kamakalawa ng gabi sa isang eskinita malapit sa Building 14, Temporary Housing, Aroma Compound, Brgy. 105, Tondo, Maynila.

Nasa kustodiya ng Manila Police District -Police Station 1 ang mga suspek na sina Dee Jay Docil, 28, construction worker; Albert Toling, 28 at Eric John Velerio, 41, delivery rider .


Ayon sa ulat, rumesponde ang mga tauhan ng MPD-Smokey Mountain Police Community Precinct dahil sa sumbong kaugnay sa maingay na karaoke .

Gayunman, habang papunta sa lugar ay nadaanan nila ang mga suspek sa eskinita na nagsusukatan ng binili nilang shabu, dahilan para sitahin at arestuhin ang mga suspek .

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6, 800.


Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 na kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District Police Station 1

You May Also Like