Latest News

Suspek sa pagbaril sa buntis sa Tondo, sumuko

By: Baby Cuevas

Kasunod ng pagsuko ay sinampahan ng kasong murder sa Manila Prosecutors Office ang suspek na bumaril at nakapatay sa isang buntis, kamakalawa ng madaling araw sa Aroma Compound sa Tondo, Maynila.

Napag-alaman sa pulisya na ang suspek na si Michael Morales,25 ay sangkot rin sa kalakalan ng iligal na droga. Siya ay sumuko sa TV 5 media center at kinuha ng mga pulis alas 5 ng hapon.

Inamin ng suspek ang pagpaslang sa biktimang si Dyan Ereca Prado, limang- buwang buntis at taga- Building 16, Aroma Compound ,Tondo, Maynila.


Sinabi ng suspek na minabuti niyang sumuko na lamang dahil sa takot na mapatay rin.

Nakumpirma ng Manila Police District -homicide section na onsehan sa iligal na droga ang. motibo ng pagpaslang sa biktima .


Sa imbestigasyon ni PSMS Jansen Rey San Pedro, naganap ang pagbaril sa biktima alas- 12 ng madaling araw sa harap ng isang sari-sari store sa Bldg. 16, Aroma Compound .

Nang matiyak na napuruhan, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa di matiyak na direksiyon.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read