SUNOG ULIT SA ABAD SANTOS, TONDO, 12 BAHAY TUPOK

MAY 12 bahay ang naabo at bahagyang nadilaan ng apoy ang gusali ng Tondo Hospital matapos na sumiklab ang sunog,kahapon ng umaga sa may Abad Santos ,Tondo,Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP) ,nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Arman Reyes na ang bahay ay nasa likod ng Tondo Hospital alas 9:30 ng umaga.


Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire-out alas 10:49 ng umaga.

Ayon kay Jane Sobriedad,supervisor sa Tondo Hospital, walong pasyente na pawang mga senior citizen ang inilipat sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) habang ang isa naman na naka-schedule na operahan ay pinauwi na.muna sa kanilang bahay.

Hindi na rin natuloy ang selebrasyon para sa 28-taong anibersaryo ng Tondo HOspital matapos na magkaroon ng sunog.


Kaugnay nito,nabatid na nahirapan ang mga bumbero na mapatay ang sunog dahil sa hindi makapasok ang fire trucks kaya minabuti na pagdugtong dugtungin na lang ang mga host ng tubig.

Patuloy naman iniimbestigahan ng Arson Division,ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian. (CARL ANGELO)


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Latest News