Latest News

Sunog sa Sta.Cruz, Maynila

Nadamay ang ilang residential houses nang sumiklab ang sunog kahapon ng hapon sa may Fugoso Street, Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na ang sunog sa lugar malapot sa lugar ng Central Market ay nagsimula ala 1:05 ng hapon.


Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection ay umabot sa ika-limang alarma ang sunog at idineklarang kontrolado alas- 2:54 ng hapon.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa nabanggit na sunog.

Patuloy naman iniimbestigahan ng Arson Division ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian. (Jantzen Tan)


Tags: Manila Bureau of Fire Protection

You May Also Like