Latest News

Sunog na naman sa Maynila; 400 pamilya, nawalan ng bahay

Nasa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan sa isang sunog na naganap sa isang residential area kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-10:16 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa Valencia Street, Sta. Mesa. Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fireout, alas -12:42 ng madaling araw.

Nagsimula umano ang apoy mula sa ikaapat na palapag ng isang tahanan sa lugar na pagmamay-ari at inookupa umano ng isang Raniel Urbano.


Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil karamihan sa bahay ay gawa sa light materials.

Naubusan pa ng tubig ang mga bumbero kaya nagkani-kaniyang igib ng tubig ang mga residente at tumulong sa pag-apula ng sunog.

Wala namang nasawi o nasugatan sa naganap na sunog at inaalam pa umano ng arson division ang sanhi ng sunog. (Philip Reyes)


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read