Hinikayat ng Simbahang Katoliko ang mga deboto na manatiling sumunod sa health protocols sa mga nakalinyang aktibidad ng mga Simbahan sa paggunita ng Holy Week.
“Even though the pandemic has subsided, let us not let our guard down. Let us continue following the health protocols so that we can finally defeat this pandemic,” ayon kay Catholoc Bishop Conference of the Pholippines(CBCP) President and Caloocan Bishop Pablo Virgilio David .
Sinabi ni David na dapat patuloy na.magsuot ng facemask at sumunod sa physical distancing.
Ang pahayag ay ginawa ni David matapos na mag-isyu ng pahayag ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan muna ang pahalik na maaring pagmulan ng hawaan ng COVID 19.
“until now, we discourage people from doing those practices as there are other ways to sacrifice or do penitence,”dagdag ni David.
Ang mahalaga umanong paraan ng pagpi-penitensiya ay gumawa ng charity partikular na sa mga mahihirap.
Nabatid na gugunitain ang Mahal na araw simula ngayon “Palm Sunday”,Abril 10 at magtatapos sa Easter Sunday. (Jaymel Manuel)














