Nag-atas si Manila Mayor Honey Lacuna kay Manila Police District (MPD) Director PB Gen. Thomas Arnold Ibay na lutasin sa lalong madaling panahon ang ginawang pagpaslang sa isang empleyado ng Office of the Mayor ng Manila City Hall noong Lunes ng hapon sa Tondo, Maynila.
Sa pagdalo nito sa ginanap na ‘MACHRA Balitaan’ na isinagawa ng Manila City Hall Reporter’s Association (MACHRA) sa Harbor View, sinabi ni Lacuna na ang biktimang si Beloy Ocampo ay malapit sa kanya kaya’t nagbigay siya ng instruction kay Ibay na alamin kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa biktima.
“Naka-assign siya sa DPS pero sound technician namin siya sa Office of the Mayor . Malapit siya sa akin, nakarating lang sa akin ang nangyari pero hindi ko pa alam ang buong pangyayari kaya inatasan ko si Gen. Ibay na resolbahin ito at all cost,” dagdag ni Lacuna.
Base sa paunang impormasyon, pinagbabaril umano si Ocampo ng walong ulit sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Namatay noon din ang biktima at kaagad na tumakas matapos ang pamamaril.














