Software engineer, nagbigti

Nagsisimula nang maagnas ang bangkay ng isang babaeng software engineer nang madiskubre ang ginawa nitong pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanyang inookupang kuwarto sa isang residential building , kamakalawa ng umaga sa Craig Street, Sampaloc,Maynila.

Kinilala ni PSSg Danilo Kabigting,imbestigador ng Manila Police District-homicide section,ang biktimang si Candice Sage Ycoy,nasa hustong edad
at umookupa sa Rm 504 5th floor ng residential building na matatagpuan sa may 1204 Craig St.Sampaloc,Maynila.


Ayon kay Arman Alcera, caretaker ng gusali,nagkakabit siya ng CCTV ,alas-11 ng umaga nang makaamoy ng masangsang sa kuwarto ng biktima.

Hindi umano pinansin ni Alcera ang naamoy pero nang pumunta siya malapit sa fire exit ay napansin niya na may dugo sa back door ng kuwarto ng biktima, dahilan para ipaalam sa barangay.

Itinawag naman ito sa MPD-PS 4 at nang dumating ang mga pulis ay ginamitan ang pintuan ng duplicate key at dito tumambad ang nakabigting biktima gamit ang kulay asul na nylon cord.


Patuloy naman inaalam ng mga imbestigador ang posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng biktima. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like