Tiniyak na magiging epektibo para masugpo ang smuggling at mapaluwag ang pantalan sa ipatutupad na container monitoring policy ng Philippine Ports Authority (PPA).
Ito ang inihayag ni Ginoong Eugenio Ynion, President/CEO ng Cebu City-based Nextix, Inc./Shiptek Solutions Corp. joint venture (JV), kasunod ng apela ng iba’t ibang grupo sa PPA na ipawalang-bisa ang Administrative Order o AO No. 04-2021 na nagtatakda ng mga polisiya sa pagpaparehistro at pagmo-monitor ng mga container sa pamamagitan ng isang technology solution.
Magugunita ns iginawad sa JV ang P877.600 milyong halaga ng kontrata para sa Trusted Operator Program-Container Registry Monitoring System (TOP-CRMS) at empty container storage shared service facility design specifications and implementation project.
Sa pamamagitan ng AO ni PPA Gemeral Manager Jay Daniel.Santiago, mamo-monitor na ang scheduling, loading, unloading, release, at movement ng mga container, maliban sa pagkakaroon ng container identification, accountability, at protection program, alinsunod na rin sa international standards.
Sanhi nito, iginiit ni Ynion na malabong magkaroon ng redundancy o duplikasyon sa trabaho dahil iba ang mandato ng Bureau of Customs o BOC sa PPA.
Ayon kay Ynion, hindi lalabagin ng polisiya ang Ease of Doing Business Act at National Competition Policy lalo pa’t ang layunin nito ay magkaroon ng transformation mula sa manual patungong automation.
Matatanggal din umano ang P15,000 hanggang P30,000 na container deposits dulot ng nasabing proyekto.
Sa pamamagitan rin ng bagong sistema ay mapapabilis pa ang usad ng mga container sa mga pantalan kaya pabor ito sa lahat.
Bukod pa samagbubukas din ito ng transparency at accountability sa kanilang hanay na kinatatakutan ng ilang sektor na maaaring tamaan dito. (Jantzen Tan)