Latest News

Skeleton workforce uli sa SC

MAGPAPATUPAD muli ang Supreme Court ng ‘skeleton workforce’ sa mga korte na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2 makaraang ma-alarma sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa kautusan ng SC, inatasan ang mga korte at mga tanggapan na magpapasok ng 50% hanggang 75% ng kanilang mga tauhan mula Hulyo 5 hanggang Hulyo 8.


Ito ay bahagi umano ng pamamaraan ng SC na makatulong sa pagpapababa ng mga kaso at maiiwas ang kanilang mga tauhan na mahawa ng virus lalo na at unti-unting kumakalat ang mga omicron variants.

โ€œThe skeleton workforce that a branch or judicial office will maintain for the above period will be subject to the discretion or determination of the concerned executive judge, presiding judge, and/or acting/ assisting judge,โ€ ayon sa SC.

Samantala, papayagan ang mga huwes na magkasa ng “fully-remote videoconferencing hearings” mula Hulyo 4-8, kahit na nasaan man silang lokasyon. Kailangan munang ipaalam ito sa Office of the Court Administrator.


โ€œUnless otherwise subsequently directed, the required workforce and in-person or face-to-face hearingsโ€ฆ will again be observed and complied with on 11 July 2022 until further orders of the Court,โ€ ayon pa sa SC. (Jaymel Manuel)


Tags: Supreme Court

You May Also Like

Most Read