Patay ang isang 32-anyos na siklista matapos na tumilapon nang mabangga ng isang bus, kamakalawa ng hapon sa eastbound lane ng Lerma Street malapit sa panulukan ng R. Papa Street, Sampaloc, Maynila.
Nabatid kay PMajorJaime Gonzales, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section, na namatay noon din ang biktimang si Russel Tapayan y Balansag, ng Bistik Vill 4, Brgy Culliat, Quezon City.
Nasa kustodiya naman ng UBA Police Community Precinct ang suspek na si Are Jay De Castro y De Chavez, 30 , bus driverat residente ng San Isidro Street, Santo Niño, Quezon City.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-2:30 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman na sakay umano ng kanyang bisikleta ang biktima nang pagsapit sa nabanggit na lugar ay nabangga ito sa likuran ng bus may plate number UVN-743 at minamaneho
ni De Castro.
Sa lakas ng impact ay tumilapon ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.














