Latest News

Kitang-kita na paborito ni Mayor Honey Lacuna ang mga senior citizens sa tuwing nakakahalubilo niya ang mga ito. (JERRY S. TAN)

Seniors at PWDs, priority na mabigyan ng trabaho ni Mayor Lacuna

By: Jerry S. Tan

Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang mga senior citizens at persons with disability (PWDs) ang pinakapaborito niyang hanapan at mabigyan ng trabaho.

“Kung inyong nasusubaybayan, ang paborito po namin talagang hinahanapan ng trabaho ay ang aming seniors at PWDs. Basta willing and able sila and they have a clearance from their doctors na puwede pa silang magtrabaho ay talagang hinahanapan namin sila,” pahayag ni Lacuna nang dumalo sa Balitaan ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View.

Ayon kay Lacuna, mapalad ang lungsod na may mga food chains na sumusuporta at tumutulong sa local government ng Maynila na makapagbigay ng trabaho kahit pa temporary basis o sa limitadong oras lamang.


Ilan dito ang pinangalanan at pinasalamatan ng lady mayor kabilang na ang Shakey’s, Peri-Peri, KFC at Jollibee Group of Companies na patuloy na tumutulong at sumusuporta sa pagbibigay ng job opportunities para sa senior citizens at PWDs.

Nabatid kay Lacuna, na napakalaki ng epekto ng tulong na ito maging sa kabuuang ekonomiya ng Maynila dahil lumilikha ito ng trabaho para sa nasabing sektor at sa mamayan ng Maynila at sinisigurado na sila ay magiging produktibo sa kabila na sila ay nasa ganung estado ng buhay.

“’Kapag lahat ay nabibigyan ng opportunity na magtrabaho, ito ay isang paraan para kahit anong edad maging productive sila. Kailangan po natin ng manpower at ‘yung job opportunities… it’s just a matter of kung aakma sila sa job opportunity na naibibigay sa kanila,” anang alkalde.

Sa pagkakaroon ng trabaho, sinabi ni Lacuna na hindi maiisip ng mga senior citizens at PWDs na sila ay pabigat sa kanilang pamilya at sa halip ay nakakatulong pa sa mga gastusin sa loob ng bahay kahit sa munting paraan.


Ayon pa kay Lacuna, ang pagkakaloob ng trabaho sa mga senior citizens at PWDs ay layuning iaangat ang kanilang moral at tiwala sa sarili, dahil mahigpit na ipinagbabawal ang diskriminasyon sa kanilang sektor.

“Walang discrimination, bawal ‘yan sa city of Manila. Kapag may ganyan, nire-report o pinagbibigay-alam kaagad sa DSW. It’s more of pag-honor ng cards, normally, ‘yun ang problema, nade-decline pero ‘yung pagpasok sa work, nadadaan anman sa pakiusapan,” dagdag pa nito.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read