Senior citizen na may cancer, nagbaril sa sentido, patay

Agad na namatay ang 72- anyos senior citizen matapos na magbaril sa sentido nang maburyong sa iniindang 4th stage colon cancer, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Isinugod pa sa Chinese General Hospital,ang biktimang si Cezar Marquez, ng 1141R.Papa St. Bo.Obrero,Tondo,Maynila.

Sa imbestigasyon ni P Cpl.Gary Reyes ng Manila Police District -homicide section,naganap ang insidente alas- 3:30 ng hapon sa hallway ng ikalawang palapag ng gusali.


Ayon sa saksi, nagpipintura siya sa ika -apat na palapag nang makarinig ng putok ng baril .

Pinuntahan niya ang pinanggalingan ng putok at doon niya nakita ang duguang biktima kaya’t mabilis itong isinugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival (DOA).


Sinabi ng pamangkin ng biktima na mayroon itong colon cancer na nasa stage 4 at posibleng nagtulak sa biktima para wakasan ang buhay.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read