Latest News

Si Comelec Chairman George Erwin Garcia habang ibinubunyag sa unang pagkakataon ang planong high-tech voting machines na gagamitin sa 2025 elections,nang siya ay dumalo bilang guest ng 'MACHRA's Balitaan sa Harbor View'. Nasa larawan sina (kaliwa) Itchie G. Cabayan, President ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) at (kanan) Vice President Andi Garcia. (JERRY S. TAN)

“Send-to-all’ hybrid machines, balak gamitin ng Comelec sa 2025 elections

By: Jerry S. Tan

IBINUNYAG ni Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia na plano niyang gumamit ng “send-to-all’ hybridizedmachines na may “high-speed scanning capacity” at 13-inch screens kung saan maaring ma-verify ng mga botante kung nabilang ba ang kanilang boto, para sa darating na 2025 elections.

Aniya, umaasa siya na maaprubahan ang paggamit ng mga nasabing high-tech counting machines upang matiyak ang ‘tranparency’ at mas mabilis na resulta ng halalan.


Ani Garcia, tinalakay niya sa kauna-unahang pagkakataon ang ukol sa nasabing plano sa kanyang pagdalo bilang guest sa ‘MACHRA’s Balitaan sa Harbor View’ ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), kung saan niya binanggit ang mga ‘special features’ ng naturang mga makina na mayroon umanong malaking screen at may kakayahang mag-transmit ng resulta sa lahat ng concerned parties nang sabay-sabay.

“We will fully comply with the law. Kung ito yung VCM (vote counting machine) ng isang presinto, itong machine na ito pag nagpadala magpapadala sa City Hall kung saan kina-canvass (election results), magpapadala sa PPCRV, magpapadala sa citizens’ arm, sa KBP, sa majority party, sa minority party, sa Congress so send to all. Ngayon, kung isa dun magsalita na iba ang kanyang result, bahala saha sa buhay niya samantalang lahat, pare-parehas,” paliwanag ni Garcia.

Dagdag pa ng Comelec chairman na ito ang naisip niyang paraan upang matiyak ang ‘transparency’ at makuha ang tiwala ng mga botante.


“Wala na kong makikitang mas matinding transparency than that. Paano makakasiguro na ang binoto namin ‘yan ang binilang ng machine? Pero me isa pa ‘yung laging tanong ng tao, ‘Paano kami nakakasigurado na ‘yung balotang hinulog nmain yan ang binilang ng machine? Oo me nakita kaming resibo pero ‘yung binilang, ‘yun ba ‘yun?” ani Garcia.

Para maayos na matugunan ang karaniwang tanong na ito ng mga botante, kailangan umanong makaisip ng paraan kung saan mave-verify ng mga botante na nabilang ang kanilang balotang ipinasok sa makina.


“Paano masisiguro ng botante na ‘yung hinulog niya nabilang? Diyan papasok yung ‘hybridized’ system. Hindi ko pabibilang ang balota manually dahil pag binilang mo ang 800 balota per precinct aabutin tayo ng apat na araw tapos i-autoumate mo pa,” paliwanag nito.

Dapat aniya ay may hybrid system sa bawat isang makina, hindi yung makina kung saan ang balota ay bibilangin pa manually at ang imahe ng balota ay makikita ang harap at likod.


“Hindi hybrid na minachine mo tapos binilang mo isa-isa. ‘Yun ang purpose kung me screen na malaki, kung kaya 15-17 inches mas maganda,” ayon pa kay Garcia.

Sa ilalim ng sistema, sinabi ni Garcia na maaaring kunan ng litrato ng mga watchers ang balota at pagkatapos ay maari nila itong bilangin, dahil ang makina na ay nai-transmit na ang mga balota upang maiwasan din ang pagkabalam.

Binibilisan na umano ng Comelec ang “terms of reference’ dahil umaasa sila na sa Hulyo ay mayroon nang “procurement short of award”, dahil kailangan na unahin umano ang pag-train, pag-introduce o pag-educate kung paanong ang mga tao ay boboto sa ilalim ng bagong sistema gamit ang ‘hybrid machines’.



“Kasi kung maganda nga ‘yung makina, kung hindi naman nauunawaan ng tao, hindi rin po sila basta makakaboto nang maayos. Trust will always begin with voters’ education and information” paliwanag nito.

Tags: Comelec Chairman George Erwin Garcia

You May Also Like