Si Senator Imee Marcos kasama si (kaliwa) barangay chairman Jeff Lau. 

Senador Imee Marcos, hindi tatakbong mayor sa Maynila

By: Jerry S. Tan

HINDI umano tatakbo si Senator Imee Marcos bilang alkalde ng Maynila sa darating na 2025 elections.

Ito ang ipinahayag ni Barangay Chairman Jefferson Lau, presidente ng Manila Chinatown Barangay Organization,  nang siya ay makapanayam sa post-Chinese New Year celebration sa Plaza Lorenzo Ruiz sa Binondo, Manila kung saan bisita at namahagi ang Senadora ng tikoy sa may 2,000 indibidwal mula sa ikatlong distrito ng lungsod.


Ang ginawang pahayag ni Lau ay nagpabulaan sa usap-usapan na tatakbo si Senadora Marcos bilang alkalde ng Maynila, at ito ay base na rin umano sa naging pag-uusap nila ng Senadora na malapit niyang kaibigan.

“Hindi tatakbo si Sen. Imee Marcos na Mayor ng Maynila, nag-usap kami at yun ang sinabi niya,” pahayag ni Chairman Lau, na nagsabing ito ang naging pahayag ng Senadora sa mga chairman nang magkita-kita sila sa tahanan ng mambabatas kelan lamang.

Matatandaang paulit-ulit na ring sinabi ni Senator Imee na wala siyang balak tumakbo bilang alkalde ng Maynila at sa halip, balak umano niyang tapusin ang kanyang isa pang termino bilang Senador.


Tags: Sen. Imee Marcos

You May Also Like