HINDI na natuloy ang nakatakdang pagsampa sa barko ng isang seaman matapos itong madiskubreng patay, kamakalawa ng hapon sa tinutuluyang Rothman Hotel sa Adriatico St.,Malate,Maynila.
Nabatid na nakatakda sanang sumakay ng barko nitong Mayo 11 ,ang biktimang si Danny Tolorio,42,tubong Zamboanga Sibugay at nanunuluyan sa Rm 307 ng Rithman Hotel na matatagpuan sa 1633 Adriatico St.Malate,Maynila nang madiskubreng wala ng buhay.
Sa imbestigasyon ni PCMS Joseph Kabigting nag check-inn umano ang biktima sa Hotel noong Mayo 3 para sa kanyang quarantine bago sumakay ng barko pero nagtaka ang hotel staff na si Hally Adon kung bakit hindi nito ginalaw ang kanyang almusal at tanghalian.
Inireport ito ni Adon sa security guard na si Alberto Labante kaya kumuha ng duplicate key at binuksan ang pinto kasama si Janeth Sison,kinatawan ng Fare Shipping Agency at manager ng hotel at dito nakita ang walang buhay na biktima.
Kaagad naman nai-videocall ang asawa ng biktima para ipaalam ang nangyari sa kanyang mister. (Philip Reyes)














