Latest News

SC SESSIONS, SUSUSPINDIHIN PARA SA BAR EXAMS

SUSUSPINDIHIN ng Supreme Court (SC) ang lahat ng kanilang mga sessions mula Nobyembre 5 hanggang Nobyemre 22 para bigyang-daan ang 2022 bar examinations.

Sa inilabas na notice ng SC, sinabi nito na tututukan muna at ibubuhos ang mga resources, oras at trabaho ng SC sa pagdaraos ng bar exams, para sa ikatatagumpay nito.

Nabatid rin na isasarado ang ang lahat ng ‘collegiate, first at second-level courts’ sa National Capital Region (NCR) at sa mga siyudad kung saan naka-base ang mga local testing centers (LTCs) mula Nobyembre 9-16.


Una nang sinabi ng SC na idaraos ang mga pagsusulit sa 14 na LCT sa buong bansa. :Lima dito ang nasa NCR at, tig-tatlo sa Luzon, Visayas at sa Mindanao.

Lahat ng opisyal, staff at iba pang empleyado na itatalaga sa mga pagsusulit ay ikukunsidera na ‘official time’ sa kabuuang oras ng kanilang serbisyo. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read