Latest News

SARA DUTERTE, SINAKSIHAN ANG PAGSIRA NG PDEA AT PNP SA P14.29 BILYONG HALAGA NG DROGA

Sinaksihan ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio bilang Guest of Honor and speaker ang ginawang pagsira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa P14,292,230,591.82 halaga ng ibat- ibang droga sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI), Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.

Batay sa Consolidated Report ng PDEA Laboratory Service, kabilang sa pinakamalaking dami ng nawasak na ilegal na droga ang: Methamphetamine Hydrochloride o shabu, Marijuana, at MDMA o Ecstasy.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva , ang pagsira sa mga mapanganib na droga ay sumusunod sa mga alituntuning itinakda sa Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.


Ang mga piraso ng ebidensya ng droga ay nawasak sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis na sumisira sa mga chemical compound sa pamamagitan ng ng napakatinding init. Sa 1,000 degrees centigrade, lahat ng mapanganib na gamot ay ganap na o nasisira.

Kaugnay nito ay pinapurihan ni VP Elect Sara Duterte-Carpio ang ahensiya sa pamumuno ni PDEA Director General Wilkins M. Villanueva sa kanilang masigasig na kampanya para wakasan ang suliranin ng bansa sa droga.


“I am confident that this activity symbolizes the fulfillment of duty and transparency, as well as serve as another stepping stone that will place this Agency to greater heights in the succeeding years,” pahayag ni Duterte-Carpio .

Sinaksihan ang pagwasak ng mga droga ang mga opisyal ng PDEA, si PLTGEN OIC pnp VICENTE DANAO JR.mga lokal na opisyal ng Barangay Aguado, Trece Martires City, mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies (LEAs), Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG). ), mga non-government organization (NGOs) at media partners ang nakasaksi sa aktibidad ng pagsira.


“Ang mga kawani ng PDEA ay mananatiling mapagmatyag at masigasig sa pagtupad ng sinumpaang tungkulin, upang hindi masayang ang mga nakamtan nating tagumpay sa loob ng nagdaang anim na taon,” pahayag naman ni Villanueva matapos ang ginawang pag sunog sa bulto bulto ng iligal na droga. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Vice President-elect Sara Duterte-Carpio

You May Also Like

Most Read