Latest News

Pinapalakpakan si Manila Mayor Honey Lacuna nina Congressman Joel Chua at (kanan) Manila City Council Majority Leader Atty. Jong Isip sa ginanap na "Kalinga sa Maynila" sa ikatlong distrto. (JERRY S. TAN)

SALOOBIN NG MANILENYO, ISINASAPUSO NG PAMAHALAANG-LUNGSOD — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Tiniyak ni Mayor Honey Lacuna sa mga residente ng Maynila na lahat ng sentimiyento,katanungan at suhestiyon na kanilang nilalatag sa kada ‘Ugnayan’ sa “Kalinga sa Maynila” ay seryosong pinakikinggan at tinutugunan ng pamahalaang-lungsod.

Si Manila Mayor Honey Lacuna (ikatlo mula kanan) kasama sina (mula kaliwa) Manila City Council Majority Leader Atty. Jong Isip, Councilor Apple Nieto, third district Congressman Joel Chua, Vice Mayor Yul Servo at Councilors Fa Fugoso at Tol Zarcal matapos ang isa na namang matagumpay na “Kalinga sa Maynila” na ginanap sa Plaza del Carmen. (JERRY S. TAN)

“Ang inyong mga sinasabi ay isinasapuso namin at gumagawa kami ng paraan para ang inyong mga kahilingan ay aming mabigyan ng katuparan kaya ‘wag kayong matakot.. ‘wag kayong mahiya,” ayon kay Lacuna sa ginanap na Kalinga sa Plaza del Carmen , Quiapo, Maynila.

“Ang ‘Ugnayan” ay aming paraan para matugunan lahat ng katanungan, reklamo o suhestiyon para lalong maiayos ang paglilingkod sa inyo … kasi hindi po kami perpekto, tao lang kami, nagkakamali din kami at meron din kaming mga pagkukulang. Ito ang pagkakataon para iparating ninyo sa amin lahat,” dagdag ni Lacuna.


Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni third district Congressman Joel Chua su Lacuna dahil ang unang Kalinga ay ginawa sa kanilang distrito.

“Napakapalad natin dahil itong Kalinga, dito unang ginanap. Sa Blumentritt, tayo ang unang binagsakan ng Kalinga at ngayon ay umiikot na ito sa iba pang distrito. Hangga’t maari ay sinusuyod lahat ng ating mayor para malaman niya ang mga problema kada lugar. Ito na ang pagkakataon para kung ano ang sa tingin natin ay pupuwedeng i-adjust o ayusin. Ito na ang pagkakataon para masabi natin mismo sa punong-lungsod,” ani Chua.

Sinabi ni Chua na dahil magkakasama sa partido ang nagwaging mayor, vice mayor at councilors, ang lahat ay mabilis na naaggawa, kasabay ng pagpapasalamat dahil aniya, palagiang 9-0 ang panalo ng Asenso Manileno ticket kada halalan, kung saan nananalo ang lahat ng kanilang kandidato mula mayor, vice mayor, Congressman at anim na Councilors.
Chua said that since all of them are allies coming from one party, programs for the benefit of residents get done faster, as he cited the putting up of a dialysis center offering free dialysis sessions for third district residents.

“Dahil magkakampi ang mayor, vice mayor at councilors, lahat ay mabilis na naaggawa. Kamakaila, ang grupo namin ay nagtayo ng kauna-unahang libreng dialysis center sa Binondo sa pamamagitan ng joint efforts mula sa mayor down to councilors. Marami na ang nakikinabang ngayon at ito ay pinagagamit natin nang libre…’wag kayong mag-atubili dahil ‘yan po ay para sa ating Distrito,” Chua said.


Kamakailan, nagtayo ng kauna-unahang libreng dialysis center sa Binondo sa pamamagitan ng joint efforts mula sa alkalde hanggang konsehal at ito ngayon ay nagagamit nang husto ng mga residente sa third district ng Maynila na nangangailangan ng libreng dialysis sessions.

Samantala, hinikayat ni Chua ang Manilenyo na lumahok sa Kalinga upang direktang maipaabotnsa alkalde ang kanilang saloobin at kailangan dahil tuwing may ugnayan sa barangay ay bitbit ni Mayor Honey ang mga kinatawan ng mga departments, bureaus at offices na kadalasang pinupuntahan sa City Hall ng mga residente at sa pamamagitan ng pulong ay natutugunan kaagad ang kanilang mga problema.

Layunin aniya ni Lacuna na dalhin diretso sa tao ang mga City Hall services upang makatipid sila sa oras at pamasahe kung saan minsan ay ni hindi nila alam kung ano ang gagawin o sino ang pupuntahan pagdating sa City Hall.


Tags: Congressman Joel Chua, Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read