Nasawi ang dalawang lalaki “riding- in- tandem” matapos na mabunggo ng isang trailer turck,kahapon ng madaling araw sa panulukan ng United Nations Avenue at San Marcelino St., Ermita, Maynila.
Namatay noon din ang mga biktimang sina Jake Tiburania ng Vicente St., Pineda, Pasig City at ang backride nitong si Brix Deuna Urot, na residente naman ng Sitio Udioncan Macabud Rodriguez, Rizal.
Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente alas- 3:15 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.
Binabagtas ng mga biktima ang westbound ng UN Avenue sakay ng Honda motorcycle kasabay ang tractor head na may trailer ( DCQ 6565 ) na minamaneho naman ng isang Randy Layda , residente ng B10 L7 Paradahan 2 Tanza, Cavite. Patungo sila southward ng San Marcelino Street at pagsapit sa intersection, nasagi ng tractor head ang harapang bahagi ng motorsiklo .
Tumilapon umano ng may ilang metro layo ang dalawa na nagresulta ng kanilang agarang kamatayan.
Sinampahan naman ng two2 counts ng Reckless Imprudence resulting in Homicide at damage to property ang tractor driver sa Manila Prosecutor’s Office. (Philip Reyes)