ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section ang isang 21-anyos na lalakngi wanted sa pangmo-molestiya sa isang menor de edad,kahapon ng umaga sa bisinidad ng Manila City Hall sa Ermita,Maynila.
Nabatid na ang suspek na si Christian Ferrer, 21 at residente ng 274-C Teresa St.Sta.Mesa ,Maynila ay naaresto nila PCol.Noel Aliño, alas 11:55 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Si Ferrer ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Abril 25,iniayu ni Presiding Judge James.Sy ng Manila.RTC Branch 4.
Wala rin inirekomendang piyansa ang korte para sa.pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nabatid na ang suspek ay nahaharap sa kasong statutory rape in relation to Sec 5(b) ng RA 7610 sa Manila RTC at nasa top 3 most wanted person sa district level. (Philip Reyes)














