Kumpiskado ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 4 mula sa isang 25-anyos na pusher ang 140 gramo ng ‘kush’ o hybrid marijuana na may streetvalue na P196,000 sa isinagawang buy-bust operation noong Sabado ng gabi sa may Simoun St., malapit sa panulukan ng Dimasalang St., Brgy. 484, Zone 48, Sampaloc, Maynila.
Dinakip ng MPD-PS4, ang suspek na si John Louie Laysa y Villaluz, alyas Louie, ng No. 1625 Maria Clara St., Brgy. 343, Sta. Cruz, Maynila.
Isinagawa ang buy-bust operation alas- 8:10 ng gabi sa nabanggit na lugar. kung saan isang pulisang nagpanggap na buyer.
Bukod sa kush, nabawi sa suspek ang P1,000 marked money at boodle money.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek sa Manila Prosecutor’s Ofice.














