Latest News

PULIS, TIMBOG SA UMANO’Y BENTAHAN NG ILIGAL NA DROGA; P13.6 M DROGA, KUMPISKADO

PINAKAMALAKING bulto ng droga na itinatayang halos isang tonelada ng shabu ang nasamsam sa isinagawang anti-drug operation sa lungsod ng Maynila nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Atty Benhur Abalos at Philippine National Police chief General Azurin , masasabing ito na ang pinakamalaking huli ng kapulisan na umaabot sa tinatayang P6.7 bilyon ang halaga ng Shabu na nakuha sa isang high value target.

“This afternoon will be historic in our country. This is probably the biggest drug haul in the history of the Philippines… Halos isang toneladang droga (o) 990 kilograms of shabu, at about P6.7 billion pesos,” ani Interior Secretary Benhur Abalos sa isinagawang press conference sa Camp Crame, Quezon City na dinaluhan din ni Manila Mayor Honey Lacuna.


Pinasalamatan ni Sec Abalos si Mayor Lacuna sa naging ambag ng lokal na pamahalaan para maging tagumpay ang bigtime anti-drug operation na umanoy isang joint effort.

Ayon kay Brig. Gen. Narciso Domingo, pinuno ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG), isang buy-bust operation ang inilunsad sa isang lending company sa may Jose Abad Santos sa Tondo bandang alas 4:45 ng hapon


Dito nahuli ang isang Ney Saligumba Atadero, 50, residente ng Ermita, Manila, at pagkaka diskubre ng may 890 kilos at 102 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion.

Isang follow-up operation ang isinagawa na nagresulta naman sa pagkakadakip kay Master Seargent Rodolfo Mayo, Jr. na kasapi ng Intelligence PDEG, ani Domingo.


Nahulihan ang nasabing pulis ng dalawang kilo ng shabu na may street value na umaabot sa P13.6 million bandang alas 2:30 Linggo ng madaling araw sa may Quezon Bridge sa Quiapo Maynila.

“Sabi ko nga noon, there will be no let up. We don’t care who gets caught and who gets hurt. For as long as we get all the evidence against any suspect in any crime, we will pursue them until the end,” ani PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr.

“We expect yung pagkakahuli ng ating pulis, na kasamahan pa sa PDEG, ay napakalaking breakthrough para sa inyong kapulisan, na ito ay isang halimbawa na we don’t tolerate and will not tolerate any wrongdoing of any policeman under my watch, and of course under the watch of our DILG Secretary,” ani Azurin.

Isa pang pinaghihinalaang kasabwat ng grupo na kinilalang si Juden Francisco ang nadakip naman sa Rosario, Pasig. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Interior and Local Government Secretary Atty Benhur Abalos at Philippine National Police chief General Azurin

You May Also Like

Most Read