Latest News

Pulis na patay sa BOC, nang-agaw daw ng baril?

NANLABAN at nang-agaw diumano ng baril ang isang pulis ng Quezon City Police District (QCPD) kaya ito binaril at napatay ng isang Bureau of Custom (BOC) Intelligence Officer noong Mayo 20,2022.

Ito umano ang lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section.

Ayon kay PBGen Leo Francisco, ang biktimang si PEMS Celodonio Caunceran Jr.,na nakatalaga sa DHSU,ay inaresto ng mga tauhan ng Custom Intelligence and Investigation Services Office ng BOC na nagsasagawa ng security surveillance alas- 5:15 ng hapon dahil sa paglabag umano sa Comelec gun ban sa may 15th St.corner Railroad Drive malapit sa may LBC Port Area.

Nabatid na ipinosas ang biktima at dinala sa CIIS office para imbestigahan at sa kasagsagan ng imbestigasyon ,nagpaalam umano si Caunceran na iihi kaya tinanggalan ito ng posas ni SAI Joven Lugtu.

Gayunman,inagawan umano nito ng baril si Lugtu kaya sila nagpambuno at nakita ito ni Intelligence Officer Elizer Mangili Y Layag, 36 , binata , Intel Officer 1 CIIS , ng BoC kaya binaril ng 2 beses sa ulo at dibdib ang pulis.

Naganap ang insidente alas 9:40 ng gabi sa loob ng Customs Intelligence and Investigation Services Office, sa Bureau of Customs (BOC), Gate 3, South Harbor, Bgy 651, Port Area.

Naisugod pa ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) pero binawian rin ng buhay. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read