Latest News

Publiko, magsanay nang mag-bus o MRT

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magsanay nang sumakay sa bus at MRT kasunod nang patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa nagaganap na krisis sa Russia at Ukraine.

” Yung mga mayayaman, sila lang ang makaka-afford ng oil. Tayo, may sasakyan pero mataas masyado ang presyo ng gasolina, magbus na lang talaga o MRT,” ayon kay Duterte.

Sinabi ni Duterte na ang bus,LRT,at MRT ay nanatiling sasakyan para maihatud ang publiko sa iba’t ibang destinasyon.

Nagbabala rin si Duterte na baka magbalik tayo sa situwasyon na ang mga tao ay binibigyan na lamang ng coupons para limitahan ang paggamit ng gasolina.

” Di naman tayo pwedeng bumili ng libu-libong tangke ng gasolina… Eventually, it will have an impact on the economy of a country including the mobility of people,” dagdag pa ni Duterte.

Hinimok rin ni Duterte ang mga drivers at iba pang motorista na huwag maghinanakit na tumataas ang presyo ng langis dahil lahat sa mundo ay tinatamaan ngayon ng pagtaas ng langis.

Kung ang oil ang mawawala, tataas talaga lahat… Pag mahal ang gasolina, mahal na ang bilihin,dagdag ni Duterte.

Tags:

You May Also Like

Most Read