Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna at DOLE Sec. Bienvenido Laguesma ang "2023 Labor Day event for Workers in the Informal Sector: Pabahay, Bilihing Abot-Presyo , Benepisyo ng Matatag na Trabaho para sa Manggagawang Pilipino" sa San Andres Complex. Nasa likuran nila si Fernan Bermejo, hepe ng public service employment office (PESO). (JERRY S. TAN)

PROGRAMA NG DOLE SA INFORMAL SECTOR WORKERS, PINURI NI MAYOR HONEY; 83 MANILENYO, NAKINABANG

By: Jerry S. Tan

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Benjamin Laguesma ang “2023 Labor Day event for Workers in the Informal Sector: Pabahay, Bilihing Abot-Presyo , Benepisyo ng Matatag na Trabaho para sa Manggagawang Pilipino” sa San Andres Sports Complex.

Pinuri ni Lacuna ang programa na ayon sa kanya ay kongkretong pagpapakita ng malasakit sa mga nabibilang sa ‘Workers in the Informal Sector (WIS)”.


Ito, ayon sa kanya, ay kinabibilangan ng mga ambulant vendors at street hawkers, small transport operators tulad ng tricycle at pedicab drivers, temporary construction workers, small-scale miners, quarry workers at uncompensated workers sa household.

“Napakagandang programa ito ng ating Department of Labor and Employment sa pamumuno ng ating butihing Kalihim, Bienvenido Laguesma,” ayon sa alkalde.

Nagpahayag ng kasiyahan si Lacuna dahil may 83 indibidwal na residente ng Maynila ang nakinabang sa programa na nagbigay sa kanila ng iba’t- ibang paraan kung paano kumita ng extra money.


“May mga mabibigyan ng pagkakataong makapagsisimula ng pagtitinda ng bigas, may Negosyo kart, pananahi, carenderia, carwash at food production. Lahat ng ito ay naglalayong makatulong sa mga pamilya na magkaroon ng maayos, regular at matagumpay na negosyo.” dagdag pa ni Lacuna.

Ayon pa sa alkalde, anumang tulong ang ibigay sa city government at sa mga residente nito ay ‘welcome’ sa kanya, dahil ang lungsod ng Maynila ay may mga hakbangin sa pagkakaloob ng pagkakakitaan sa mga walang hanapbuhay na residente nito.


Binati ng lady mayor ang mga nagsitanggap na mga residente ng lungsod at nanawagan na pagsikapan na na umunlad ang kanilang munting negosyo at tiyakin na ang kanilang tinanggap na ayudang pinansyal ay ‘di mauwi sa wala.

“Lagi lamang ninyong tatandaan na ang tagumpay ay hindi pangwakas; ang kabiguan ay hindi katapusan: ang lakas ng loob na magpatuloy ang pinaka-mahalaga. Kaya’t pagsikapan sana ninyo na mapalaki, mapalago at mapaunlad ang anumang pagkakataong naipagkaloob sa inyo,” sabi ni Lacuna.


“Higit sa lahat, huwag makalimot magpasmagpasalamat sa Panginoon at sa mga nagsilbing instrumento kagaya ng DOLE na nagbigay sa inyo ng pagkakataon na makapag-umpisa ng maliit na negosyo,” dagdag pa ng alkalde.

Tags: DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Latest News