Presong scammer sa loob ng BJMP Taguig, arestado ng NBI

NATUNTON ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng Metro Manila District Jail sa Taguig City ang isang preso na nagnakaw ng “identity” ni Atty.Vic Rodriguez ,tagapagsalita ni President-elect Ferdinand”Bongbong” Marcos Jr. para makapanloko.

Nakilala ang suapek na si Jose Villafuerte Angeles ,na may alyas ding “Ryan Castillo” na isang Person Deprived of Liberty (PDL) ng Taguig .


Isa umanong tinangkang biktimahin ng suspek ang nagreklamo sa NBI kaugnay sa panlolokong ginawa nito kung saan sa isang transaksiyon ay humihingi ito ng P120,000 shipping fee.

Nakita rin sa Facebook account ng suspek ang larawan ng ilang kilalang personalidad na hinihinalang mga susunod na bibiktimahin ng suspek at nanakawan ng “identity”.

Samantala,tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na paiimbestigahan niya kung papaano.nagkaroon ng cellphone anv suspek sa.loob ng kulungan.


Mahigpit umanong ipinagbabawal ang pagkakaroon ng cellphone ng mga PDL dahil maari itong magamit sa hindi maganda ng.mga preso. (Anthony Quindoy)


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like