DINAKIP ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 54-anyos na Pilipina at isang 42-anyos na Nigerian na lalaki matapos mahulihan ng umano ng milyon-milyong halaga ng shabu sa isinagawang controlled delivery sa Las Piñas City.
Isang ahente ng PDEA ang nagpapanggap na delivery boy at nag-deliver sa dalawang suspek ng parcel na naglalaman umano ng nasa P4 milyong halaga ng shabu.
Ayon sa PDEA, idineklarang baby bottle sterilizer at drier ang laman ng package galing Laos, pero nang idaan ito ng NAIA-BOC sa X-ray machine, natuklasang shabu pala ang laman nito.
Tahasang ikinaila ng inarestong Pilipina na kanila ang nasabing pakete. Pahayag nito, dalawang beses na daw siyang tumanggap ng package kapalit ng P2,000 para sa Nigerian at sa kasama nitong babae na kapawa nakilala lamang niya sa facebook.
Mariin ding itinanggi ng Nigerian na kanya ng inihatid na parcel, Hindi sa kaniya at lalong wala rin daw siyang inaantay na package.
Patuloy pang iniimbestigahan ng PDEA ang kaso pero ang hinala nila, parte ang mga suspek ng sindikato kaya hindi muna binanggit ang kanilang mga pangalan
Ayon kay PDEA Public Information Office chief Director Derrick Carreon, “the Bureau of Customs under the leadership of Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, and Philippine Drug Enforcement Agency under Director General Wilkins M Villanueva, will continue to strengthen inter-agency cooperation and coordination to curb illegal drugs proliferation thru the country’s border.”
Samantala, nasa 15 gramo ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng Php 102,000 ang nakumpiska naman ng mga operatiba ng PDEA RO-NCR QCDO kasama ang QCPD PS13 sa sinagawang buy bust operation sa No. 572 Bonifacio St. Brgy Bagong Silangan, Quezon City. (VICTOR BALDEMOR)














