Latest News

PHILIPPINE ARMY AVIATION REGIMENT MAY BAGONG EROPLANO

ITO ay matapos na lagdaan ang deed of donation para sa isang Short Brothers & Harland SD3-30 twin-engine turboprop aircraft sa isinagawang turn-over ceremony sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Kaugnay nito ay nagpa-abot ng kanyang pasasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino sa ipinagkaloob na donasyon ng Semirara Mining and Power Corporation na pag-aari ng Pamilya Consunji.

Ang segunda-manong Short Brothers & Harland SD3-30, twin-engine turboprop 27 seaters aircraft ay donasyon sa Philippine Army (PA)


Malaki umano ang maitutulong ng nasabing aircraft donation para mapalakas ang kakayahan ng army aviation forces.

Gagamitin ng Philippine Army ang eroplano sa pagbibigay ng suporta sa ground troops, paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan ng mga sundalo at maging sa kanilang humanitarian missions. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read