Latest News

PHIL. ARMY, PUMALAOT NA SA KAALAMAN SA CYBER TECHNOLOGY

MAGKATUWANG ngayon ang Philippine Army (PA) at U.S. Army Pacific (USARPAC) sa paglinang at pagtukoy ng mga kaalaman hinggil sa cyber security.

Pinasimulan na ang PA-USARPAC Cybersecurity Subject Matter Expert Exchange (SMEE) na tutukoy sa gamit ng cyber technology at pagpapalakas ng hukbo sa mga kakayahan ng cybersecurity

Kasalukuyang ginaganap ngayon ang PA-USARPAC Cybersecurity Subject Matter Expert Exchange (SMEE) sa Philippine Army Officers’ Clubhouse, sa loob ng Fort Bonifacio.

Ayon sa inilabas na pahayag ni Army Spokesman, Col Xerxes Trinidad, ang talakayan ay nakatuon sa paglinang ng cyber-capabilities at kakayahan ng Army sa pagsasagawa ng mga defensive cyber-operations at aktibong defense operations.

Ang aktibidad ay bahagi ng mga napagkasunduang aksyon ng dalawang hukbo sa loob ng limang taong plano.

Ang mga eksperto sa paksa mula sa parehong hukbo ay magsasagawa ng mga aktibidad sa pamamagitan ng mga lektura, pagpapakita ng iba’t ibang cybertool, at mga praktikal na pagsasanay.

May kabuuang 60 PA cyber workforce at dalawang tauhan mula sa Communications, Electronics and Information Systems Service, Armed Forces of the Philippines (CEISSAFP) gayundin ang limang tauhan ng USARPAC ang makikibahagi sa mga nakatakdang SMEEs.

Sinabi ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr., na ang bilateral activities ay makakatulong na patibayin ang cyber defense capabilities ng Army sa pamamagitan ng pagbuo ng mga kakayahan at kasanayan ng cyber workforce ng Hukbong Katihan.

Binigyang-diin ng Army Chief na ang pagbuo ng isang mapagkakatiwalaan at tumutugon na postura ng epektibong pagtatanggol sa mabilis na umuusbong na mga banta ngayon kayat nangangailangan ng patuloy na pagpapahusay ng mga cyber related capabilities ng Phil Army. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read