Latest News

Magkakasamang bumibisita sina Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at Manila health department chief Dr. Poks Pangan sa mga bakunahan ng bata sa Maynila. (TSJ)

Pediatric vaccination vs COVID-19, mas pinaigting pa sa Maynila

LALO pang pinaigting ng Manila Health Department (MHD) ang pagpapatuloy ng pediatric vaccination kontra sa COVID-19 sa mga batang edad lima hanggang 11-anyos sa iba’t-ibang vaccination sites sa lungsod.

Ito ang nabatid kay presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno kasabay nang anunsyo nito na ang MHD sa pamumuno ni Dr. Poks Pangan ay nakapagturok na ng 24,000 doses ng COVID-19 vaccines sa mga bata hanggang March 2022.

Sinabi pa ng alkalde na base sa ulat ni Vice Mayor Honey Lacuna, na siyang nangunguna sa mass vaccination program ng pamahalaang lungsod na may 2,000 bata na ang fully vaccinated, habang ang mahigit na 22,000 pang bata ay nakatanggap na ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccines.

Binanggit ni Moreno na ang mga vaccination sites sa lungsod ay ang Manila Zoo, San Nicolas Health Center, Dimasalang Health Center, V. Fugoso Health Center, at F. Lanuza Health Center, gayundin ang ilan pang sites sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.

May ilan pang vaccination sites na nagbukas tulad ng ilang mga paaralan at malls sa iba’t-ibang parte ng Maynila.

Habang sinusulat ang balitang ito ay may mahigit sa 3,300,000 vaccines ang naiturok na sa Maynila sa parehong bata at matanda. (ANDOY RAPSING)

Tags: ,

You May Also Like

Most Read