Latest News

Inihayag nina Congressmen Irwin Tieng (left) at Ernix Dionisio sa 'MACHRA Balitaan' forum na hindi na aabot pa sa Kongreso ang PDEA leaks probe'. (JERRY S. TAN)

‘PDEA LEAKS’ PROBE, DI NA PAG-AAKSAYAHAN NG KONGRESO

By: Jerry S. Tan

NAGPAHAYAG ng tiwala ang dalawang Konggresista ng Maynila na ang ‘PDEA Leaks’ probe ay ‘dead in the water’ o hindi na lulusot pa sa House of Representatives (HOR).

Sinabi nina Congressmen Ernix Dionisio (1st district) at Irwin Tieng (5th distric) sa ‘MACHRA Balitaan’ forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ang nasabing probe ay dapat na pinatigil na noon pa dahil wala naman umano itong mahalagang napatunayan para sabihing ‘in aid of any legislation’.


Ayon kay Dionisio, na assistant majority leader HOR, napag-usapan na ang lahat ng anggulo ng nasabing issue at wala nang bago kaya hindi na kailangan pa ng Kongreso na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon.

“I don’t think is should continue.. it’s enough if the issue can no longer be expounded. Nakita na natin ang mga kakulangan,” pahayag nito.

Katulad din ng pagtutol ni Dionisio,sinabi naman ni Tieng na ang hiwalay na imbestigasyon ng Kongreso ay ‘redundancy’ o pag-uulit na lang ng ginawa sa Senado.


“It is unnecessary at this point,” pahayag ni Tieng at sinabing marami pang mas mahahalagang usapin na dapat talakayin ng liderato ng Kongreso.

Sa kabilang banda, pinuri naman nina Dionisio at Tieng ang inquiry na ginagawa ng Senado sa kaso ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sinabing nakakagulat ang mga rebelasyon na nagsisilabasan dito.


Binigyang-diin ni Dionisio na ang pagkakaroon ng POGO operations sa lugar ni Mayor Guo ay maliwanag na senyales na bigo itong gampanan ang tungkulin bilang punong-ehekutibo ng kanyang bayan.

Sa bahagi naman ni Tieng, sinabi nito na hihintayin na lamang niya ang katapusan ng imbestigasyon at sinabi pa na siya man ay ‘curious’ sa kung ano ang kalalabasan nito.


Tags: Congressmen Irwin Tieng, Ernix Dionisio

You May Also Like

Most Read