PDEA DIRECTOR-GENERAL, MAY PHD AT NAGTAPOS NG DOCTOR OF PHILOSOPHY IN CRIMINOLOGY

MAGALAK na sinalubong ay pinapurihan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang Director-General Undersecretary Wilkins Villanueva sa kanyang matagumpay na pagkumpleto ng Doctor of Philosophy in Criminology program sa Philippine College of Criminology (PCCR) Graduate School.

Si Villanueva ay ginawaran ng post-graduate degree na Doctor of Philosophy in Criminology se 58thCommencement Exercises ng Graduate School of Criminology of the Philippines Hotel noong Setyembre 23, 2022.

Nakamit din ni DG Villanueva ang Special Distinction Award para sa Public Service sa panahon ng commencement exercises.


Itinatag ni Supreme Court Justice Felix Angelo Bautista noong Pebrero 14, 1954, ang Philippine College of Criminology ay isang pandaigdigang kinikilalang pinuno sa mga makabagong programa, isang sentro ng kahusayan at isa sa mga nangungunang pagpipilian para sa Criminal Justice Education sa Pilipinas.

Samantala may 59 na mga operatiba naman ng PDEA ang matagumpay na dumaan sa isinagawang Firearms Proficiency Program.


Tinapos ng Special Enforcement Service (SES) ang Firearms Proficiency Program nito sa 59 na mga operatiba sa pamamagitan ng closing ceremony na dinaluhan ng DDGO, PDEA Asec Gregorio Pimentel nitong nakalipas na lingo.

Tampok sa ginanap na seremonya ang pagbibigay ng mga espesyal na parangal sa mga nangungunang shooters na sumailalim sa kurso ng programa na ginanap sa SAFTB, Fort Sto.sa Sta Rosa City, Laguna na pinangasiwaan ni SME IA V Cham Sulit ng PDEA RO-NCR.


Sa ngalan ng SES Family, kinilala ng Officer-In-Charge IA V IJR Coderis ang kadalubhasaan at dedikasyon ni IA V Sulit at ng mga Tactical Officers ng PDEA Academy na ginawang ligtas at matagumpay ang programa.

Binigyang-diin din ni DDGO Asec Pimentel ang wastong paghawak sa mga armas na inisyu ng Ahensya at kagamitang pang-proteksyon bilang mga responsableng Ahente ng PDEA at patuloy na determinasyon sa pagpapahusay ng mga kasanayan sa armas. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Director-General Undersecretary Wilkins Villanueva

You May Also Like

Most Read