Latest News

Si Mayor Honey Lacuna habang nagbibigay ng mensahe sa mga nasunugan sa Aroma, Tondo, na tumanggap ng kabuuang tig-P50,000 mula sa Maynila at iba pang ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng panghihingi ng tulong ni Lacuna mismo. (JERRY S. TAN)

PBBM, ACUZAR., PINASALAMATAN NI MAYOR HONEY; MGA NASUNUGAN SA AROMA, TUMANGGAP NG TIG-50K

NAGHAYAG ng labis na pasasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna para kina President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at department of human settlements and urban development (DHSUD)  head, Sec. Jerry Acuzar, dahil sa pinagbigyan nila ang  kanyang  kahilingan na ayuda para sa 2,006 pamilyang nasunugan at nawalan ng tahanan sa Tondo.

Sa kanyang mensahe sa mga apektadong pamilya, hiniling ni Lacuna ang sama-samang ay pagpasalamat sa Pang. Marcos at kay Sec. Acuzar sa kanilang palagiang suporta sa tuwing may pangangailangan ang Maynila, sa gitna ng pagkakakabaon sa utang ng lungsod dahil sa P17.8 bilyong utang na iniwan ng dating alkalde na si Isko Moreno.

“Ako po ay hindi mahihiyang manghingi para sa inyo.  Gagawin at gagawin natin ‘yan,” pagtitiyak ni Lacuna sa mga pamilyang tumanggap ng   financial assistance mula DHSUD,  Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa pamahalaang-lungsod ng Maynila.


Sinabi ni Lacuna na ang DHSUD ay nagbigay ng emergency shelter support para sa 2,006 pamilyang nawalan ng tirahan at ito ay nagkakahalaga ng  P30,000 kada pamilya. Idinagdag din nito na mismong ahensya ang kumilala ng mga pamilyang tumanggap ng nasabing cash aid.

Bukod diyan, ang mga apektadong pamilya mula sa Barangay 105 sa Aroma, Tondo, ay nakatanggap din ng  P10,000 mula sa pamahalaan ng Maynila at panibagong P10,000 mula sa  DSWD, na pumayag din sa kahilingan ni Lacuna para sa karagdagang ayuda sa mga nasunugan.

Samantala ay hiniling naman ni Lacuna sa lahat ng mga kinauukulang pamilya na huwag iwanan ang kanilang basura kung saan-saan lamang, kapag nagsimula na silang magtayo ng kanilang mga bahay.

Hinimok ng alkalde ang lahat ng kinauukulang residente na itapon ang mga debris at iba pang basura sa tamang sisidlan at hintayin ang pagdating garbage collector bago ilabas ang kanilang mga basura.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read