Latest News

PATAY NA SANGGOL, NATAGPUAN SA TABI NG NAGLALARONG TRES-ANYOS NA KAPATID

By: Baby Cuevas

Natagpuang patay ang isang 20-araw na gulang na sanggol sa ikatlong palapag ng inookupa nitong kuwarto kamakalawa ng umaga sa Tondo, Maynila,. habang katabi ang kanyang naglalarong tatlong-taong gulang na kapatid na babae.

Ang sanggol na si Einjel Ewwie Manzon, ng 1301 Flores Bugallon St., Tondo, Maynila ay kasalukuyang ina-awtopsiya upang matukoy kung ano ang ikinamatay nito.

Dumating umano ang kaanak ng mga bata na si Victoria sa nasabing bahay alas-11:30 ng umaga at nakita niya na natutulog ang mga magulang ng bata sa ikalawang palapag ng bahay.

Pag-akyat ni Victoria sa ikatlong palapag ay nakita niya ang biktima na nakadapa at katabi ang kapatid na naglalaro.

Nagulat si Victoria sa nakita at nang lapitan ang biktima ay napansin niya na hindi na ito kumikilos, kaya’t kaagad niyang pinuntahan ang mga magulang ng biktima.

Mabilis na isinugod ang sanggol sa Ospital ng Tondo pero idineklara itong dead-on-arrival.

Ayon kay Victoria, limang araw bago ang insidente ay nakita niya na buhat ngtres-anyos ang sanggol sa leeg hanggang sa hagdanan sa ikatlong palapag ng bahay.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read