Latest News

Pinapalakpakan si Manila Mayor Honey Lacuna ng mga mag-aaral sa PLM nang dumalo siya sa kanilang pagtatapos bilang guest speaker. (JERRY S. TAN)

PASASALAMAT SA DIYOS, SUPORTA SA PAMAHALAAN, HILING NI MAYOR HONEY SA PLM GRADUATES

By: Jerry S. Tan

“LET us help each other and work together to promote a better and more developed city. Let us put our acts together as we envision and realize a Magnificent Manila.”

Ito ang naging panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa libo-libong nagsipagtapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) kung saan siya ang nagsilbing guest speaker kamakailan.

“Everything is a blessing and you must be thankful to our God,” pahayag ni Lacuna sa mga nagsipagtapos sabay ng kanyang pagbati sa kanila at sa kanilang mga magulang at natupad na ang kanilang pangarap.


“Isang napakahalagang yugto na naman sa inyong buhay ang nasasaksihan natin ngayong umaga. At sa kabila ng lubhang kagalakan ay ibig ko lang sanang magpaalala. Una, ang inyong tagumpay ngayon ay isang malaking biyaya ng Panginoon. Siya ang nagbigay sa inyo ng talino, talento, at ng buhay upang makapaglakbay kayo sa daan ng karunungan, kaalaman at kasanayan. Siya ang nagkaloob sa inyo ng pagkakataon upang makapag-aral at maging iskolar sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila,” pahayag pa ni Lacuna.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga nagsipagtapos na magpasalamat sa kanilang mga mahal sa buhay, mga kaibigan at kaklase na naging kasama nila sa paglalakbay hanggang makatapos ng kolehiyo.

Sa isang punto ng mensahe ni Lacuna ay hiniling niya sa mga estudyante na tumayo at palakpakan ang kanilang mga magulang pati na rin ang kanilang mga guro na dahil sa kanilang palagiang suporta at gabay ay naging posible at madali para makatapos sila ng pag-aaral.

Sinabi din ni Lacuna sa mga nagsipagtapos na pasalamatan ang mga responsableng taxpayers ng Maynila na tumutupad sa kanilang obligasyon at dahil dito ay nakakatulong sa city government na mapondohan ang mga proyekto ng lungsod, kabilang na ang mg gastusin para sa PLM.


“Utang natin sa lahat ng mga taxpayers na may malasakit sa ating lungsod at taun-taong masipag na nagsisipag-bayad ng kanilang buwis,”ani Lacuna.

“Lahat po ng mga pribilehiyong nabanggit ko ay patuloy nating naibabahagi sa mga minamahal nating kababayan, bunga ng maingat, masinop, malinis at tapat na paggamit ng ating pananalapi sa pamahalaang lungsod ng Maynila.” dagdag pa nito.

Inihayag din ni Lacuna na bukod sa pagiging “Iskolar ng Bayan,’ “your city government is doing its best to extend assistance to most, if not all of you, through the privileges being offered by our social amelioration program.”

Ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay nagbibigay ng P1,000 monthly allowance para sa estudyante ng PLM, gayundin sa Universidad de Manila (UdM), bilang bahagi ng social amelioration program (SAP) ng lungsod.


Samantala, sinabi ni Lacuna na malaki ang tiwala niyang dahil ang mga nagsipagtapos ay mula sa PLM, madali para sa kanila ang makahanap ng trabaho at opurtunidad para umunlad sa anumang larangan na kanilang tatahakin.

Tags:

You May Also Like

Most Read