Latest News

Nasa larawan sina JJASGH Director Dr.Merle Sacdalan-Faustino (ikalawa mula kaliwa), Dr. Miguel Galvez (kaliwa), mga kawani ng DPS na sina Jerome Melencio at Rocelyn Escalante (kanan at ikalawa mula kanan). Wala sa larawan ang head ng dental department at opisyal ng Pangkat Maliwanag na si Dr. Andrea dela Cruz.

‘PANGKAT MALIWANAG’, NAGLUNSAD NG MGA AKTIBIDAD SA PAGDIRIWANG NG JJASGH ANNIVERSARY

By: Jerry S. Tan

BILANG bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng ika-15 taong anibersaryo ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH), inilunsad noong May 29, 2024 ng mga empleyado ng JJASGH, sa pangunguna ni Director Merle Sacdalan-Faustino at ‘Pangkat Maliwanag’ ang mga proyektong alinsunod sa nasabing okasyon.

Sa layuning magpatupad ng mga proyektong may kinalaman sa ‘Green Facility,’ ang Pangkat Maliwanag ay nagsagawa ng ‘Awareness Campaign’ sa hanay ng mga empleyado at pasyente ng ospital na may temang: “Gamitin, Sinupin at Ulitin para sa Maka-kalikasang Layunin.”


Kaugnay nito ay nag-imbita ang Pangkat ng mga speaker mula sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Deparment of Health,; Arch. Glenn Louigio Quebec na tumalakay sa “Overview of DOH Green and Safe Facility Manual it’s System and Tools”; Jepp Farrales na mula sa DENR at tumalakay sa “Salient Features of R.A. 9003” at ang mga kawani ng Department of Public Services ng Maynila para sa “Waste Management Effort and Waste Diversion Projects of City of Manila”.

Nagsimula ang mga aktibidad sa pamamagitan ng isang parada na nagtapos sa isang makabuluhang inagurasyon ng mga proyekto ng Pangkat Maliwanag gaya ng ‘Rain Harvesting, Flower Arch’ at ang kauna-unahang partnership ng DPS at JJASGH.


Tags: JJASGH Director Dr. Merle Sacdalan-Faustino

You May Also Like