NANAWAGAN si Manila’s Secretary to the Mayor Bernie Ang sa lahat ng mga political rivals ng frontrunning Presidential candidate Mayor Isko Moreno at mayoral candidate Vice Mayor Honey Lacuna na mag-focus sa paglalabas ng kanilang mga nagawa sa Maynila at sa mamamayan nito sa halip na magpakalat ng mga kasinungalingan para pagtakpan ang kanilang kakulangan sa mga esensyal na programa para sa mga residente ng Maynila at pagtakpan din ang kawalang tulong na kanilang naibigay sa lahat ng Manileño sa panahon ng pandemya.
Sa pagpapahayag ni Ang, binigyang klaripikasyon din nito ang ipinapakalat na ‘fake news’ ng mga ayon sa kanya ay naghahangad ng publisidad para i-promote ang kanilang kandidatura nang hindi man lang mabanggit na wala silang nagawang tulong sa lungsod lalo na sa panahong kailangang-kailangan ng mga mamamayan.
Binigyang diin ni Ang na noong kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID-19 virus noong 2020, ay nagkukumahog ang City Council sa paghahanap ng pondo upang idagdag sa budget ng City of Manila at upang ibigay bilang cash assistance at food allocation subsidy para sa mga Manileños na nawalan ng trabaho at kabuhayan, tulad ng maraming Pinoy dala ng pandemya.
Dahil dito ay inutusan ng Manila City Council ang city government’s Asset Management Committee (ASC) na pag-aralan ang inventory of patrimonial properties ng City of Manila at irekomenda ang least beneficial sa listahan para sa disposisyon nito na kalaunan ay mapagkunan ng kinakailangang pondo. Inirekomenda ngayon ng ASC ang pagbebenta at disposisyon ng Divisoria Property na may land area na 8,000 square meters.
Ayon kay Ang, ang justification na ginawa ng committee sa kanilang rekomendasyon na i-dispose ang nasabing property ay base sa pag-aaral na hindi kumikita ang lungsod sa nasabing property dahil sa onerous at disadvantageous contract na pinasok ng dating alkalde na si Mayor Gemiliano ‘Mel’ C. Lopez, Jr. at ng Linkworld Construction and Development Corporation.
Sinasaad sa kontrata na pinasok noong March 13, 1992, na pinapayagan ang lease o upa sa Divisoria Property sa halagang P20 per square meter kada buwan sa loob ng 25 na taon at pinapayagan din itong magtaas ng 10 porsyento sa upa kada tatlong taon.
Sa loob ng 25 taon ang lungsod ay nakakolekta lamang ng mahigit na P57 million o mas mababa pa sa P3 million kada taon. Ito ay bukod pa sa pinapayagan sa kontrata na magtayo ang developer (Linkworld) ng multi-level commercial establishment na kilala bilang Divisoria Mall habang inilagay naman ang palengke sa basement na higit na mababa sa street level, ayon kay Ang.
Matapos na mai-submit ang report ng ASC sa City Council ay gumawa ng Resolution 171, 2020 ang konseho na nagbibigay kapangyarihan sa City Government of Manila na pumasok sa isang kontrata sa kahit na anong reputable corporation o entity para sa maibenta ang property sa ilalim ng terms and conditions na most advantageous sa City of Manila.
Ang Festina Holdings, Inc. ang nanalo sa public bidding at hiniling ng City Government sa Festina na huwag palayasin ang mga market stallholders. Ang Commission on Audit (COA), sa pamamagitan ng Technical Services Office ay naglabas din ng kanilang Appraisal/Evaluation Report finding na nagsasabing ang transaksyon ay maayos at ang bentahan ay rasonable.
“There is no truth that the market stallholders were evicted despite their refusal to pay the rentals to Festina Holdings, Inc. and pay the city government the business permit. They were merely warned that if they continue to refuse to pay rentals and business permits, they will eventually be evicted,” pahayag ni Ang na nagsabi din na iyong mga nagrereklamo ay hindi nagbabayad ng kanilang dues sa city government sa mahabang panahon.
Nagrereklamo ang mga vendors na mahina ang kanilang benta sa loob ng palengke kaya gusto nilang sa kalye sila magtinda na hindi naman pinayagan ng lokal na pamahalaan.
“The City has no intention to malign the reputation of the former Mayor Gemiliano Lopez, Jr., believing that his intention was for the best interest of the city at that time, without expecting the repercussion in the future. However, due to the malicious and baseless insinuation and accusation of Mr. Alex Lopez in trying to project himself as more pious than the Pope, we have no alternative, but to reveal the onerous contract entered into by his father, which eventually forced the Asset Management Committee to recommend the disposition of the subject property, being the least beneficial to the City,” giit ni Ang. (TSJ)