Latest News

Pagpatay sa lalaking niratrat sa loob ng bahay sa Tondo, iniimbestigahan

Iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang motibo, kung may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa isang 41-anyos na lalaki matapos pasukin sa loob ng bahay at pagbabarilin ng dalawang di nakikilalang suspek,kamakalawa ng madaling araw sa Riverside,Vitas Katuparan,Tondo,Maynila.

Kinilala ni PCpl.Jamie Balang,imbestigador ng Manila Police District-homicide section,ang biktimang si Resty Sagurigan,ng 2460 Malaya Extension,Balut,Tondo. Siya ay nasawi dahil sa tama ng bala sa iba’t i-bang bahagi ng katawan.


Ayon sa imbestigasyon naganap ang insidente alas- 5:30 ng madaling araw sa loob ng bahay sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Mark Angelo Alminar, natutulog umano sila sa ikalawang palapag ng bahay nang makarinig ng komosyon at sunod-sunod na putok ng baril.

Nang bumaba ,nakita nila ang nakahandusay at duguan ang biktima na wala ng buhay.


Kaagad umano nilang ipinagbigay-alam ang insidente sa barangay na siyang tumawag ng pulis. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like