MATAPOS lumabas ang resulta ng second independent autopsy report na ginawa sa labi ni Jun Villamor ang alleged middleman na sinasabing pinatay sa loob ng Bilibid Prison ay may mga ulat na nakakatanggap pa ng mga panibagong pagbabanta ang pamilya ng pinaslang na radio broadcaster Percival ‘Lapid’ Mabasa.
Kuntento naman ang pamilya Mabasa sa resulta ng independent autopsy sa labi ng umano’y middleman na si Jun Villamor.
Samantala, gumawa naman ng paglilinaw ang PNP-National Capital Regional Police Office ma wala silang pagkukulang sa pagkamatay ni Jun Villamor sa loob ng National Penitentiary dahil nakipag ugnayan naman sila sa pamunuan ng Bilibid Prison.
Kasabay nito, sinagot din ni PNP-NCRPO chief Police Brig, General Jonnel C. Estomo ang inilabas nilang 160 persons of interest kung saan kabilang dito ang Bucor Director General Gerald Bantag.
Galing umano ito sa nilikhang SITG. Nag-create ako ng SITG. Inalam namin sino yung mga inatak ni Lapid. Umabot ng 160 personalities ‘yan, 400 attacks. Kaya lang, during the course of investigation, namatay nga, itong si Jun Villamor. Kaya gusto ko i-clarify ‘yan na kahit wala kaming official na close coordination with the BuCor, the same bago namatay yan, meron kaming contact sa BuCor,” dagdag pa ni Estomo.
Una nang inalmahan ni Police Bgen Estomo ang umanoy tila paninisi sa kanila ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag hinggil sa umano’y kapabayaan upang ma-secure ang middleman sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.
Sa isang panayam ng media kay Estomo ay sinabi nitong walang naging pagkukulang ang PNP.
Katunayan, umano ay ilang oras lang matapos na sumuko ang gunman na si Joel Escorial ay agad niyang ipinahanap sa BuCor ang middleman na si Jun Villamor na nasa loob ng Bilibid.
Bukod ditto ay nakipag ugnayan din umano ang SITG sa pamilya nito sa Leyte kaya nadiskubre na Crisanto (Cristituto) Villamor ang totoo nitong pangalan.
Matatandaang namatay si Villamor sa loob ng Bilibid, ilang oras matapos na lumutang ang gunman na si Escorial.
“The fact na nag-coordinate kami, hindi na kailangan ng opisyal, kaya nga kinabukasan nag-utos ako, ‘magkaroon tayo ng letter kay General Bantag’ na sinagot naman niya na walang Crisanto Villamor. In fairness kay General Bantag, tama naman siya. Walang Crisanto Villamor, ang problema lang after presscon, bakit namatay yung June Villamor at hindi niya sinecure?” pahayag pa ni Estomo.
“Kung ako ang BuCor chief, lahat ng Villamor, I will secure. .. Ipapatawag ko ang hitman, ituro sino dito, dapat ganun ang aksyon!” sabi pa ng heneral.
Bigong makuhanan ng kanyang panig si Bantag na kasalukuyang under suspension kaugnay sa Percy Lapid killing at pagkamatay ng umanoy middleman. (VICTOR RUIZ BALDEMOR)