Latest News

Paghahanap at imbestigasyon sa nawawalang sabungero, tuloy pa rin — Remulla

Tuloy-tuloy pa rin ang isasagawang paghahanap at imbestigasyon kaugnay sa mga nawawalang sabungero.

Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos ang pakikipag- dayalogo sa mga kaanak ng nawawalang sabungero sa DOJ.

Napagkasunduan rin na pupunta sa DOJ ang mga kaanak tuwing ikalawang Miyerkules ng buwan para alamin ang “update” sa kaso ng nawawala nilang kaanak.


Kasama rin sa pulong ang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Nabatid na muling nagkaroon ng pag-asa ang mga kaanak ng nawawalang sabungero dahil sa pagbibigay ng atensiyon ng DOJ.

Ang mga nawawalang sabungero ay kinuha sa Maynila,Laguna at Bulacan noong 2021. (Anthony Quindoy)


Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like

Most Read