Latest News

Pagbaba ng COVID sa Metro Manila, patuloy

DUMAUSDOS pa sa 4.9% na lamang ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Ayon sa OCTA Research Group, ito ay mas mababa pa sa 5% threshold na inirerekomenda ng World Health Organization (WHO).

“The positivity rate in the NCR dropped to 4.9%, or less than the WHO recommended level of 5%, for the first time since 12/26/2021, prior to the Omicron wave,” ani OCTA Research fellow Guido David, nang ibahagi ang naturang datos sa kanyang Twitter account nitong Martes, Pebrero 22, 2022.


Sinabi ni David na sa ngayon ay nananatili pa ring nasa low risk ng COVID-19 ang NCR, gayundin ang Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal habang ang Quezon ay nasa very low risk na.

Base sa datos, ang NCR ay nakapagtala na lamang din ng -28% na growth rate; moderate na average daily attack rate (ADAR) na nasa 2.85; very low risk na reproduction number na 0.21, at very low risk na healthcare utilization rate (HCUR) na 25% nitong nakalipas na pitong araw.

Samantala, sa mga lalawigan naman sa Calabarzon, tanging ang Quezon pa lamang ang klasipikado ng very low risk, matapos na makapagtala ng -40% na growth rate, at very low risk na ADAR na nasa 0.51; reproduction number na 0.18; HCUR na 14% at 3% na positivity rate.

Nananatili namang nasa low risk classification ang Batangas na may -45% na growth rate; low na ADAR sa 1.18; very low risk na reproduction number na 0.21; low na HCUR na nasa 33% at moderate na positivity rate na nasa 6%.


Nasa low risk rin ang Cavite na nakapagtala ng -30% na growth rate; moderate na ADAR na nasa 2.04; very low risk na reproduction number na nasa 0.21 at HCUR na nasa 19%; at moderate na positivity rate na nasa 9%.

Low risk rin ang Laguna na may -48% na growth rate, low risk na ADAR sa 1.42; very low risk na reproduction number sa 0.16 at HCUR na nasa 20%; at moderate na positivity rate na nasa 6%.

Ang Rizal naman ay low risk rin sa -32% na growth rate; low na ADAR na nasa 1.49; very low risk na reproduction number na nasa 0.20 at HCUR na nasa 29% at moderate na positivity rate na nasa 7%.

Ang ADAR naman ay yaong 7-day average number ng mga bagong kaso ng sakit kada 100,000 katao habang ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong natuklasang positibo sa COVID-19, mula sa kabuuang bilang ng mga taong naisailalim sa pagsusuri.


Ang HCUR ay yaong occupancy ng isolation, ward, at intensive care unit beds, maging ang paggamit ng mechanical ventilators, habang ang reproduction rate naman ay tumutukoy sa mga taong maaaring maihawa ng sakit ng isang pasyente. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon ng pagbagal ng sakit.

Tags:

You May Also Like

Most Read