May P76 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga operatiba ng PDEA-IADITG at NAIA Customs na dala ng dalawang babaeng Singaporean national sa kanilang pagdating sa NAIA terminal 3 mula Doha, Qatar.
Nadiskubre ang mga cocaine na inilagay sa capsule na nasa mga lata biscuits, canister at mga boxes na inilagay sa ilalim ng kanilang luggage.
Naaresto naman ang dalawang mag-inang pasahero na edad 63 at 39.
Nabatid na sakay ang mag-ina ng Qatar Airways Flight QR 928 na lumapag sa NAIA terminal 3 mula Doha, Qatar.
Umabot aa kabuuang 14,360 grams ang timbang ng mga nasabat na cocaine na may street value na aabot sa P76,108,000 ang halaga.
Naiturn-over na sa PDEA IADITG ang mga nasabat na cocaine para sa karagdagang imbestigasyon, habang dinala naman ang mag- Ina sa PDEA main office sa Quezon City.