Latest News

P6.2 milyong cocaine, nadiskubreng nakasilid sa rim ng wheelchair

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang higit sa P6 milyong halaga ng hinihinalang cocaine na itinago sa loob ng tatlong rims ng wheelchair, sa Port of Clark sa Pampanga noon pang Enero 24.

Sa naantalang ulat ng BOC, dumating sa Port of Clark mula sa Tanzania nitong Enero 13 ang shipment na idineklarang “mini/ sumatic wheelchair caster”. Idinaan sa regular na K9 sniffing at X-ray scanning ang shipment.

Ngunit nang isailalim na sa physical examination, dito natuklasan na puno ng puting “powdery substance” ang loob ng rim ng tatlong gulong.

Ipinadala ang mga sampol sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa chemical laboratory analysis kung saan positibo na tinukoy na cocaine ito. May timbang ang nasabat na iligal na droga na 1,187 gramo at may kabuuang halagang P6,291,630.

Naglabas noon ang Port of Clark ng Warrant of Seizure and Detention laban sa naturang shipment dahil sa paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization Act kaugnay ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read