NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Custom (BOC), Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) at NAIA-IADITG, ang may P4 milyon halaga ng shabu na isinilid sa baby bottle sterilizer ,kamakalawa sa Las Piñas.
Naaresto rin ng mga awtoridad ang dalawang claimants na isang Nigerian national at residente ng Pasay City na di pinangalanan ng naturang kontrabando sa isinagawang “controlled delivery operations”alas 8:20 ng gabi sa Marcos Alvarez Avenue Cor Veraville Homes, Talon Singko, Las Pinas City.
Sa imbesrigasyon,nabatid na nadiskubre ng BOC ang ginawang paglalagay ng shabu sa bottle sterilizer sa isinagawang x-ray scanning.
Nagduda umano ang mga personnel sa nakasilid na palete kaya nagsagawa ng 100% physical examination kaya nadiskubre ang 588 gramo ng shabu na nakabalot sa aluminum foil.
Nalaman na ang package ay mula sa Laos at idineklarang “electric steamer”.
Nasa kustodiya ngayon ng PDE! Ang dalawang naaresto para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa R.A. 9165 kilala bilanh Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to Sections 119 at 1401 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Tiniyak naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, at Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins M Villanueva na patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga. (TSJ)














