PATAY ang isang Information Technology Operator ng Bureau of Custom (BOC) matapos tambangan ng di-nakilalang gunman nakasakay sa motorsiklo,kamakalawa ng gabi sa may panulukan ng Pedro Gil at Pasig Line, Sta. Ana, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Sta.Ana Hospital ang biktimang si Gil Manlapaz Jr y Cua, 47 , custom IT optr. at residente ng 2144 rd 15, Fabie Estate, Sta. Ana, Maynila
Sa inisyal na ulat ng Manila Police District(MPD) natanggap ng Public Information Office , inilarawan ang suspek na nakaauot ng kulay itim nanjacket,nakapantalon,dilaw na helmet at nakasakay sa kulay itim na motorsiklo.
Naganap umano ang pananambang sa biktima,alas 7:50 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nasa loob ng kanyang sasakyan at nakahinti malapit sa kanyang bahay ang biktima nang dikitan at barilin sa ulo ng suspek.
Patuloy naman nagsasagawa ng imbestihashon ang pulisya kaugnay sa motibo nang pahpaslang sa biktima.
Nalaman na si Cua ay pang apat na sa mga empleyado ng BOC na tinatambangan.nagtatrabaho umano ang biktima bilang Information Technology (IT) operator sa BOC.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.
Ito na ang ika-apat na tauhan ng BOC na tinambangan mula noong nakaraang Disyembre at pinakahuli ay noong Enero 14 kung saan nakaligtas naman sa kamatayan ang isang physical examiner.
Habang nakaligtas rin ang unang biktima pero nasawi naman ang ikalawang biktima.
Sa impormasyon nakalap, ang dalawang naunang kawani ng BOC na tinambangan ay iniimbestigahan kaugnay sa alegasyon ng katiwalian.
May inialok naman ang BOC ng P300,000 pabuya sa makapagtuturo sa mga suspek.